Tuesday, August 4, 2009

welcome

i was thinking of a good topic to write on my blog. two months na ang nakakaraan nong umpisahan kong mag-isip pero hanggang ngayon wala pa din. i grabbed the opportunity to force myself to think of a nice one. i wrote on my plans which should be accomplished within this week that i should update my blog. yun na yung naisip kong way para ma-oblige akong magsulat ng idea ko sa blog na 'to. i have been so busy these days kaya hindi ako makaharap sa monitor at makapag-tipa sa keyboard.

ikukwento ko na lang yung experiences ko nung unang prelim ko sa unang term ko sa unang taon ko sa college. nagdodorm ako. hindi malayo sa university. lumabas ka sa gastambide gate ng UE, tapos tawid ka dun. YUN na yun. nung unang araw, normal na siguro yung nag-getting to know each other stage kami ng sarili ko. wala akong nakausap SWEAR. pero nung uuwi na ko, nakita ko yung isa sa mga classmates ko na naglalakad, halata naman na masakit na yung paa nya kasi hiandi sya sanay sa mataas na heels, niyaya ko syang pumunta sa dorm ko tapos pinahiram ko sya ng flops ko [yun ang una kong kabayanihan sa Manila]. haha oo! tama yan. nagpakabayani na naman ako. masaya pa rin sa pakiramdam kahit nasa ibang lugar ko ginawa haha.


second day nung may makausap ako. humanga agad ako sa Psychology teacher namin. ang dami kong natutunan. nun ko nalaman kung bakit ako nagPsych; gusto ko pang matuto sa buhay. alam kong pwera sa pagkakaron ng trabaho, mas maiintindihan ko yung nangyayari sa mundo ko pag pinag-aralan ko ang bumubuo at pumupuno nito: ANG TAO. mahilig ako makihalubilo sa iba't ibang tao. masaya kasing makipag-interact sa mga taong walang parehas na ugali. dun mo mapapatunayang walang taong pareho.


naging maayos naman lahat ng araw ko, pwera na lang siguro sa mga araw na hindi ko alam ang gagawin ko pag hindi ako nakapag-aral dun sa isang subject. minsan nga nagmamalfunction ang vegetitive mind ko at wala nang nagpupush saking mabuhay. pero joke lang yun.


ang saddest part ng college, malayo ako sa mgta kaibigan ko, lahat busy na. pero ayos lang, siguro magpe-paid off lang yun pag nakuha namin ang mga goals namin. lahat kami mukang masaya sa nangyayari sa buhay namin. umuuwi lang ako pag may oras at wala masyadong inaasikaso. may goal ako next sem, sana matupad ko. gusto ko yun, siguro yun ang makakapagpasaya sakin.


sa susunod, mas madami na akong makukwento, sa ngayon, ito muna.

Thursday, May 21, 2009

♥ishie-kun

May mga bagay akong natutunan nung napanood ko ang NODAME CANTABILE... oo naging fan ako pero habang pinapanood ko yung buo... ang akala ko mahihirapan ako makacope sa story kasi sa subtitles lang ako nagrerely... narealize ko na hindi impossible yun... tamad kasi ako magbasa ng subtitles... tinuruan ako nung series na gustuhin ang isang bagay na minsang inisip kong hindi ko magagawa... simpleng bagay pero nung naisip ko "bakit hindi"... nagustuhan ko yung series dahil sa characters... una.. si MEGUMI NODA... sa totoo lang.. hindi yung pagtugtog nya... kundi yung playful trait nya yung kapareho ng akin... pareho kaming gustong ienjoy ang buhay... masayahin din sya... nakikita ko yung sarili ko sa kanya... para bang hindi kayang magseryoso sa buhay...


bumilib din ako sa mga talents ng characters... hindi ako nakikinig ng classical music... malungkot kasi ang dating sakin... siguro dahil nakikinig lang talaga ko... hinid ko sila nakikita... naisip ko din... mahirap bumilib at mawili sa kahit anong hindi mo naman alam kung saan naggaling at kung paano ginawa... bawat lapat ng daliri ni nodame at chiaki sa keys ng piano... kasabay ng tugtog... bigla mong marerealize na kahanga-hanga ang mga akala mong pinakasimpleng pagpindot lang sa itim at puting stripes ng isang malaking bean...hindi lahat ng tao interesado at may kakayahang tumugtog ng kahit anong instrument...

may isa pa akong narealize... ENJOY WHAT YOU ARE DOING TO SATISFY YOURSELF... nung mga unang taon kong gumawa ng story... wala ako nyan.. kasi mas inalala ko yung sasabihin ng iba kaysa sa kasiyahan ko... nung tinignan ko yung story.. kahit ako... hindi satisfied... anong nagyari?... bakit ako mismong nagsulat na dapat unang magandahan.. hindi nakuntento... nakita ko yung sagot sa story... madaming kayang tumugtog ng mahirap na pyesa pero iilan lang ang tumutugtog na may puso... gusto kong makapagsulat.. yung may puso... buong-buo... sa ngayon... hindi ko pa lam kung nagagawa ko ba yun ng tama...o kung magagwa ko ba talaga...


isa pang nagustuhan ko.. ay yung ugali ni SHINICHI CHIAKI... masungit pero may tinatago syang lambot... gusto ko sila.. mga taong hindi natatakot na ipakita kung ano sila sa huli... madali akong mapabilib sa mga taong hindi mo halatang gagawa ng mga bagay na hindi kapani-paniwala... oo.. hahaha.. minsan dun ako nalilintikan... madaling humanga sa mga simpleng kabilib-bilib na bagay... sobrang nagustuhan ko talaga yung character nya... may naaalala ako sa character nya...secret muna kung sino...



nagustuhan ko din yung love angle ng series... grabe... nagsink sakin yung story.. yung sa NODAME CANTABILE EPISODE 10 - 11... kung saan sobrang lungkot na nung sumunod na scenes... hahahaha inaamin ko... i felt so sensitive that it put me into tears... alam mong mahal na nila yung isa't-isa pero may doubts.. then finally... umamin din si Chiaki (kahit papaano)...



sa NODAME CANTABILE PARIS SPECIAL EPISODE 1... ang cute... yung determination ng character ni chiaki... inspiring... lalo na yung support ni nodame sa conducting competition... kaso masyado akong nadala sa dun sa EPISODE 2... naasar ako kay SON RUI... naramdaman ko yung pressure ni nodame toward that situation na kasama ni chiaki ang isang taong alam nyang may posibility na maagaw si chiaki... naramdaman ko yung insecurity nya... lalo na nung pinanood nya yung performance ni rui... pati yung paghahawi ng buhok ni rui ginaya nya... nakakalungkot... haizt...



ay bago ko makalimutan... yung kwento nung cartoon dun sa series... kung saan nakuha nila yung concept ng friendship... yung SPACE CANDY... hahaha tumatak sakin yun pati si KAZUO.. at ang fairy na si PURIRIN... hahaha nagiging weird ako lalo dahil sa series...



kinilig naman ako nung unang beses nagpahalik si chiaki-senpai kay nodame sa cheek... after ng performance sa S-Oke... tapos yung scene na hinahanap nya si nodame papuntang okawa... tapos nakita nya sa may riverbank... bumaba sya ng taxi at niyakap nya from the back si nodame...grabe... haizt... nakaka inlove pag napanood mo yung scene na yun... ang pinaka nakakakilig sa lahat... NUNG HINALIKAN NI CHIAKI SI NODAME SA LIPS...nangyari yun right after nung first recital ni nodame... so cute... must-see talaga yung BUONG series... till next blog...
-.♥ishie