Tuesday, August 4, 2009

welcome

i was thinking of a good topic to write on my blog. two months na ang nakakaraan nong umpisahan kong mag-isip pero hanggang ngayon wala pa din. i grabbed the opportunity to force myself to think of a nice one. i wrote on my plans which should be accomplished within this week that i should update my blog. yun na yung naisip kong way para ma-oblige akong magsulat ng idea ko sa blog na 'to. i have been so busy these days kaya hindi ako makaharap sa monitor at makapag-tipa sa keyboard.

ikukwento ko na lang yung experiences ko nung unang prelim ko sa unang term ko sa unang taon ko sa college. nagdodorm ako. hindi malayo sa university. lumabas ka sa gastambide gate ng UE, tapos tawid ka dun. YUN na yun. nung unang araw, normal na siguro yung nag-getting to know each other stage kami ng sarili ko. wala akong nakausap SWEAR. pero nung uuwi na ko, nakita ko yung isa sa mga classmates ko na naglalakad, halata naman na masakit na yung paa nya kasi hiandi sya sanay sa mataas na heels, niyaya ko syang pumunta sa dorm ko tapos pinahiram ko sya ng flops ko [yun ang una kong kabayanihan sa Manila]. haha oo! tama yan. nagpakabayani na naman ako. masaya pa rin sa pakiramdam kahit nasa ibang lugar ko ginawa haha.


second day nung may makausap ako. humanga agad ako sa Psychology teacher namin. ang dami kong natutunan. nun ko nalaman kung bakit ako nagPsych; gusto ko pang matuto sa buhay. alam kong pwera sa pagkakaron ng trabaho, mas maiintindihan ko yung nangyayari sa mundo ko pag pinag-aralan ko ang bumubuo at pumupuno nito: ANG TAO. mahilig ako makihalubilo sa iba't ibang tao. masaya kasing makipag-interact sa mga taong walang parehas na ugali. dun mo mapapatunayang walang taong pareho.


naging maayos naman lahat ng araw ko, pwera na lang siguro sa mga araw na hindi ko alam ang gagawin ko pag hindi ako nakapag-aral dun sa isang subject. minsan nga nagmamalfunction ang vegetitive mind ko at wala nang nagpupush saking mabuhay. pero joke lang yun.


ang saddest part ng college, malayo ako sa mgta kaibigan ko, lahat busy na. pero ayos lang, siguro magpe-paid off lang yun pag nakuha namin ang mga goals namin. lahat kami mukang masaya sa nangyayari sa buhay namin. umuuwi lang ako pag may oras at wala masyadong inaasikaso. may goal ako next sem, sana matupad ko. gusto ko yun, siguro yun ang makakapagpasaya sakin.


sa susunod, mas madami na akong makukwento, sa ngayon, ito muna.

No comments: